Hindi na pag-anunsiyo ng brand ng ituturok na vaccine, utos ni Pangulong Duterte
Si Pangulong Duterte na ang nag-utos na huwag nang ianunsiyo ang brand ng bakuna na gagamitin sa ibat-ibang vaccination sites.
Ito ang sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque kaugnay sa naging pahayag ni Health Usec. Myrna Cabotaje na hindi na iaanunsiyo sa publiko ang gagamiting brand ng COVID 19 vaccines.
Sa pahayag ni Cabotaje ay inulan siya ng batikos.
Dagdag pa ni Roque, mismong si Pangulong Duterte ang nakapuna sa pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites nang ianunsiyo na bakuna ng Pfizer ang ituturok.
Napansin aniya ni Pangulong Duterte na hindi na nasunod ang social distancing.
Pagdidiin pa ni Roque, ang lahat ng bakuna ay epektibo laban sa 2019 coronavirus at ang mga ito ay dumaan sa masusing pag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.