Magiging ‘close race’ ang nalalapit na halalan sa May 9 kung saan magkakaroon ng halos ‘split decision’ sa hanay ng mga kandidato sa pagka-pangulo.
Ito ang nakikitang ‘outcome’ ng Pilipinong ekonomista na si Jun Trinidad ng American banking giant na Citigroup batay sa kanilang April 13 research na pinag-aralan ang pag-angat ni Davao City Mayor Duterte.
Sa ngayon aniya, bagamat biglaan ang pag-angat ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga survey, asahan naman na magiging target ngayon ng mga anti-Duterte campaign ang alkalde kaya’t malaki pa ang posibilidad na magbago ang sitwasyon habang papalapit ang eleksyon.
Nakatulong aniya sa alkalde ang itinuturing na ‘low-cost’ ngunit epektibong istilo ng pangangampanya upang ihatid ang kanyang mensahe sa publiko sa pinakasimpleng paraan.
Malaking impluwensya din aniya ang direktang pangako ng alkalde na reresolbahin ang kriminalidad sa buong bansa tulad ng ginawa nito sa Davao City sa loob ng 20 taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.