Sen. Bong Go umapila sa mga lokal na opisyal, nasa A1 – A3 lists na magpabakuna na

By Jan Escosio May 20, 2021 - 10:23 AM

Pinakiusapan na ni Senator Christopher Go ang mga lokal na opisyal na magpabakuna na matapos silang maiakyat sa A1 priority list sa vaccination rollout program ng gobyerno.

 

“Sa mga local chief executives, since pinayagan na pong bakunahan sila, ako po ay nananawagan po sa inyo na magpabakuna na rin po kayo para po maging halimbawa at sundin po kayo ng ating mga kababayan na huwag pong katakutan ang bakuna,” ang apila ng senador.

 

Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Health dapat ang mga ito ang unang magtiwala sa mga bakuna para mahikayat nila ang kanilang mga kababayan na magpaturok na ng proteksyon laban sa COVID 19.

 

Kasabay nito ang kanyang apila rin sa mga kabilang sa A1 hanggang A3 priority groups na magpabakuna na rin para mabilis na maabot ang ‘herd immunity.’

 

Katuwiran ni Go kapag nabakunahan na ang medical frontliners, senior citizens at ang mga may comorbidities, agad nang isusunod ang mga essential workers gayundin ang mga mahihirap.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.