Pangulong Duterte nagpasalamat kay Japan PM Suga sa COVID 19 aid

By Chona Yu May 20, 2021 - 09:29 AM

MALACANANG PHOTO

Nagkausap sa telepono kagabi sina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga.

Sa pag uusap ng dalawa, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang pamahalaan ng Japan dahil sa ayuda na ibinigay sa Pilipinas, partikular ang kanilang  COVID-19 assistance ng Japan.

Kabilang na ang  Y20 billion approval mula sa  Y50 billion Post-Disaster Standby Loan at Y1 billion para sa karagdagang  cold chain development assistance.

Nagpasalamat din ang Pangulo sa suporta ng Japan sa transition process sa  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa panig naman ni Suga, nangako ito na patuloy na susuportahan ng Japan ang Pilipinas sa paglaban sa pandemya.

Humingi rin ng paumanhin ang Prime Minister dahil hindi natuloy ang pagbisita sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Ayon sa Malakanyang tumagal ng 20 minuto ang pag uusap ng dalawa pinuno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.