5,000 deployment limit ng Filipino nurses sa ibang bansa malapit nang maabot
Sinabi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na posible na sa susunod na buwan ay naabot na ang itinakdang 5,000 deployment cap sa mga Filipino nurses na nais makapag-trabaho sa ibang bansa.
Paalala lang ni POEA Administrator Bernard Olalia kapag umabot na sa limitasyon, wala ng Filipina nurse ang papayagan na makalabas ng Pilipinas hanggang sa pagpapalit ng taon.
Dagdag niya, ang tanging paraan ay kung itataas ng Inter Agency Task Force (IATF) ang deployment cap.
Pag-amin ni Olalia may mga bansa na nagpahiwatig na ng pangangailangan nila ng karagdagang Filipina nurses at sa ngayon aniya ay higit 3,000 Filipino nurses na ang nakalabas ng bansa.
Sinabi pa ng opisyal na may hiling na sila sa IATF ang dagdagan ang bilang ng mga Filipina nurses na maaring mag-trabaho sa ibang bansa.
Magugunita na nilimitahan ng IATF ang deployment ng Filipino nurses sa ibang bansa para matiyak na may sapat na bilang ng nurses sa Pilipinas bunsod na rin patuloy na pagharap sa COVID 19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.