47 degrees Celsius na heat index, naitala sa Dagupan City at Sangley Point
Nakapagtala ang ilang lugar ng mataas na heat index sa araw ng Miyerkules, May 19.
Sa datos ng PAGASA, umabot sa 47 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan (11:00 ng umaga) at Sangley Point, Cavite (2:00 ng hapon).
Naitala naman ng 46 degrees Celsius na heat index sa Aparri, Cagayan bandang 11:00 ng umaga.
Nasa 43 degrees Celsius naman ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Ambulong, Batangas (2:00 ng hapon)
– Laoag City, Ilocos Norte (2:00 ng hapon)
– Tuguegarao City, Cagayan (2:00 ng hapon)
Samantala, 42 degrees Celsius naman ang naitala sa mga sumusunod:
– Coron, Palawan (11:00 ng umaga)
– Iba, Zambales (2:00 ng hapon)
– Sinait, Ilocos Sur (11:00 ng umaga)
Naitala naman ang 41 degrees Celsius na heat index sa:
– Masbate City, Masbate (12:00 ng tanghali)
– NAIA Pasay City (12:00 ng tanghali)
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.