Mga dentista at medical technologist isinusulong na gawing COVID-19 vaccinators
Nais ng tatlong mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na gamitin bilang mga vaccinators ang mga dentista at medical technologists kontra COVID-19.
Sa House Bill 9354 na inihain nina House Committee on Health Chairperson Helen Tan, Marikina Rep. Stella Quimbo at Quezon City Rep. Kit Belmonte isinusulong ng mga ito na amyendahan ang Republic Act 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang mga doktor, nurses, at mga na-train na pharmacists at midwives ang maaring magbakuna sa COVID-19 rollout ng gobyerno.
Pero ayon kina Tan, Quimbo at Belmonte, malaki ang maitutulong ng dagdag na mga medical personnel para mapalawak ang COVID-19 vaccination ng gobyerno.
Bukod dito, tiyak na mas maraming mga Pilipino ang mababakunahan laban sa naturang sakit.
Iginiit ng mga mambabatas, sa harap ng inaasahang pagdating ng mas maraming mga bakuna sa bansa, kailangan ang mabilis na pagtuturok at maagapan ang posibleng expiration o pagka-sayang ng mga vaccine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.