Pagbabago sa pangangampaniya sa 2022 elections, pinag-iisipan ng Comelec

By Jan Escosio May 18, 2021 - 05:59 PM

Dahil sa mga hamon na nilikha ng pandemya, sinabi ng Commissiom on Elections (Comelec) na pinag-aaralan na ang maaring gawin na pagbabago sa batas sa pangangampaniya para sa eleksyon sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec Comm. Aimee Ampoloquio, sa ngayon ang umiiral na campaign guidelines ay nakasentro pa rin sa face-to-face bagamat nagpapatuloy ang banta ng COVID-19.

Aniya, kung talagang hindi pa iiral ang face-to-face campaign, maaring magkaroon ng bagong uri ng pangangampaniya na magagamit ng mga kandidato.

Dagdag pa ng opisyal, pag-aaralan din nila ang naidaos na eleksyon sa ibang bansa sa gitna ng pandemya.

Samantala, sinabi ni Comelec Dir. James Jimenez na hindi pa maituituring na premature campaigning o may naging paglabag na sa pagsulputan ng mga banner o poster ng mga pulitiko kahit hindi pa panahon ng paghahain ng certificate of candidacy (COC).

TAGS: 2022 election campaign, 2022 elections, comelec, Inquirer News, Radyo Inquirer news, 2022 election campaign, 2022 elections, comelec, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.