Si Roque lang ang awtorisadong magsalita ukol sa WPS – Duterte

By Chona Yu May 18, 2021 - 04:47 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Tanging si Presidential Spokesman Harry Roque lamang ang awtorisadong magsalita kaugnay sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, walang ibang miyembro ng Gabinete maliban kay Roque ang dapat na magsalita kaugnay sa nasabing isyu.

Umiinit ang usapin sa West Philippine Sea matapos mamataan ang Chinese vessels na nasa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, kung may magsasalita man na miyembro ng Gabinete, dapat sila lamang ang mag-usap at hindi na sa harap ng publiko.

Matatandaang minura ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. si Roque dahil sa pangingialam sa usapin sa West Philippine Sea.

TAGS: Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, West Philippine Sea, WPS issue, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, West Philippine Sea, WPS issue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.