COVID-19 vaccination sa essential workers, indigent population, aarangkada sa katapusan ng Mayo
Target ng pamahalaan na simulan na sa katapusan ng Mayo ang pagbabakuna sa mga nasa A4 priority list o ang mga essential frontliners at A5 priority list o ang indigent population.
Sa ulat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na bubuksan ang pagbabakuna sa mas nakararami base na rin sa rekomendasyon ng business sector, mga opisyal ng gabinete at mga senador.
“Dapat buksan na natin talaga ‘yung A4 priority group saka A5 na kailangan ‘yung bakuna, unahin natin ang mahihirap,” pahayag ni Galvez.
“Gagawin natin, lalakihan natin ‘yung net para ‘yung atin target population ay lumaki at mas marami ang mabakuhanahan. Kahit na mayroong mga magre-reject, at least marami ang babakunahan,” pahayag ni Galvez.
Sinabi pa ni Galvez na nasa 12.8 milyon ang target population sa essential workers habang 16 milyon naman ang nakalista na indigent population.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.