Pagpapabakuna sa ‘economic frontliners’ ipinakiusap na ni Sen. Bong Go
Nakipagpulong na si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga kinauukulang opisyal ng gobyerno, gayundin sa ilang kinatawan ng pribadong sektor ukol sa pagpapabilis ng vaccination rollout.
Kasama din aniya sa mga natalakay ang mga hamon na kinahaharap sa pagpapabakuna sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Hiniling din niya na mapabilis na ang pagbakuna sa mga nasa A4 at A5 vaccine priority list.
Sinabi nito na kabilang sa A4 ang ‘economic frontliners’ na napakahalaga sa pagbalanse sa ekonomiya at kalusugan ng populasyon.
Dagdag ni Go kapag nasimulan na ang pagpapabakuna sa essential workers ay magtatalaga na lang ng ‘express lanes’ para sa mga hindi pa natuturukan na nasa A1 hanggang A3 category.
Ayon sa senador dapat ay mabakunahan na rin ang mga mahihirap na Filipino dahil kailangan na nilang lumabas ng bahay para maghanap ng ikakabuhay ng kanilang pamilya.
Inihirit din niya na mapabilis pa ang ikinakasang vaccination rollout sa mga COVID-19 hot spots, tulad ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, Pampanga, Batangas, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.