EO sa pagbaba ng taripa sa bigas papatay sa mga magsasaka – Sen. Kiko Pangilinan

By Jan Escosio May 18, 2021 - 08:48 AM

Hindi na kakayanin ng mga magsasaka kung tatapyasan pa ang taripa sa imported na bigas na ipinapasok sa bansa.

Ito ang sinabi ni Senator Francis “Kiko”Pangilinan bilang reaksyon sa Executive Order 135, na nagbababa ng taripa sa mga inaangkat na bigas mula sa India, Pakistan at China.

“Patay na naman ang rice farmers natin. Dapa na ang ating mga magpapalay dahil sa tuloy-tuloy na pasok ng imported rice. Sumubsob pa dahil sa pandemya. Ngayon, parang ililibing na sila sa hirap sa ulat na pagbaba ng taripa,” pahayag ni Pangilinan.

Pagdidiin pa ng senador hindi pa nailathala ang EO 135 at wala pa siyang nakikitang kopya nito.

Giit niya, ang economic managers na ang nagsabi na stable ang suplay ng bigas sa bansa kayat ipinagtataka niya na kailangan pang ibaba ang taripa ng imported rice.

“Pag bumaba ang kita o hindi na kumikita ang magpapalay, di na siya magtatanim. Pag di na siya nagtanim, lalo tayong nakaasa sa imported. Pag ganyan, hawak na ng ibang bansa ang pagkain natin,” paliwanag nito.

Hinala niya, wala o kulang ang nagging konsultasyon hinggil sa naturang kautusan ng Malakanyang.

TAGS: Executive Order 135, imported na bigas, kiko pangilinan, magsasaka, taripa, Executive Order 135, imported na bigas, kiko pangilinan, magsasaka, taripa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.