Sen. Bongbong Marcos, nababahala sa kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa

By Mariel Cruz April 17, 2016 - 02:55 PM

PRESCON ON BBL / MAY 5, 2015 Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr speaks during a news conference at the Senate on Tuesday that the Citizen’s Peace Council report on the draft Bangsamoro Basic Law (BBL) showed that the proposed measure should be amended despite Malacañang’s insistence that it be passed in its present form. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Ikinabahala ni vice presidential candidate Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pagnipis ng suplay ng kuryente sa bansa.

Tugon ito ni Marcos matapos ilagay sa red alert status ang Luzon grid sa loob ng halos tatlong oras noong Biyernes dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

Kasabay nito, hinimok ni Marcos ang mga energy official na tiyaking sapat ang kuryente at walang mararanasang brownout sa araw ng eleksyon sa May 9.

Ayon kay Marcos, magkakaroon ng duda ang mga tao sa magiging resulta ng eleksyon kung makararanas ng brownout ang bansa.

“Nakaka-alarma ang ganitong sitwasyon kayat dapat gawin ng gobyerno ang lahat ng paghahanda para masigurong hindi magkaka-brownout sa araw ng eleksyon dahil pag nagkaganito ay magkakaroon ng duda sa anumang resulta ng halalan,” ani Marcos.

Giit ni Marcos, dapat tutukan ng susunod na administrasyon ang problema sa kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa.

Sinabi rin ni Marcos na kaya niyang tiisin ang brownout na tila sumusunod sa mga lugar na kanyang pinupuntahan para mangampanya ngunit hindi mapapatawad ng sambayanang Pilipino ang gobyerno kung magkakaroon ng malawakang brownout sa araw ng halalan.

Matatandaang ilang beses tinamaan ng mga hindi inaaasahang brownout ang mga lugar kung saan nangampanya si Marcos nitong nakaraang linggo kabilang na sa Iloilo, Negros Oriental at Tagbilaran City sa Bohol.

TAGS: sen bongbong marcos, sen bongbong marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.