Kapabayaan pinuna ni Energy Sec. Alfonso Cusi sa pagkasayang ng 348 vials ng COVID 19 vaccines dahil sa ‘blackout’

By Jan Escosio May 17, 2021 - 09:21 AM

Ipinaalala  ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang mga dapat at maaring gawin para hindi masayang ang COVID 19 vaccines kapag nawalan ng suplay ng kuryente sa storage facility.

Ginawa ni Cusi ang pagpapa-alala matapos masayang ang 348 vials ng CoronaVac sa Makilala, North Cotabato dahil sa ‘blackout.’

Iginiit ng kalihim na may direktiba na siya sa power distributors na tiyakin ang sapat at maasahang suplay ng kuryente sa COVID 19 vaccine store at health care facilities.

Sa ulat ng Cotabato Electric Cooperative, nawala ang suplay ng kuryente sa Makilala ng mahigit isang oras at ang vaccine cooling equipment ay inilipat sa outlet na pinagagana ng generator set.

Ngunit lumipas pa ang dalawang oras nang madiskubre na hindi na gumagana ang colling equipment na naglalaman ng mga bakuna dahil hindi ito naalalang ibaliksa main outlet nang magbalik ang suplay ng kuryente.

Paalala ni Cusi ang protocol ay dapat ang kuryente ay magmumula sa linya ng National Grid Corp. of the Philippines, kasunod ay sa linya ng power distributors at panghuli ay sa generators ng pasilidad o ng lokal na pamahalaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.