Bangka tumaob dahil sa ‘groufie,’ 7 Indonesians nalunod

By Jan Escosio May 17, 2021 - 09:17 AM

NATIONAL SEARCH AND RESCUE AGENCY PHOTO

Sa labis na kasabikan sa kanilang souvenir photo, pito sa 20 sakay ng isang bangka ang nalunod sa Java Island sa Indonesia.

Base sa mga ulat, lumipat na lang bigla ang 20 sakay sa isang bahagi ng bangka para sa kanilang group picture kayat tumaob ang bangka.

Ayon sa awtoridad overloaded din ang bangka, na nadiskubre na 13-anyos lang ang nagtitimon.

Nailigtas ang 11 sa mga pasahero, ngunit nalunod na ang pito at may dalawa pang nawawala, na kapwa pinaghahanap na ng awtoridad.

Inaalam na kung may pagpapabaya sa boat operator nang payagan nito ang pagsakay ng labis na bilang ng pasahero sa kanyang bangka.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.