Traffic enforcer, patay matapos barilin sa Cebu City
Patay ang isang traffic enforcer matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Cebu City, Cebu.
Ayon kay PO3 Alberto Diamante, ang homicide investigator sa Cebu City, kinilala ang biktima na si Michael Garces, 40 years old, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang puso.
Nangyari ang insidente bandang alas otso kagabi at halos ilang metro lamang ang layo nito sa bahay ng biktima.
Agad na isinugod sa Sacred Heart Hospital sa Urgello Street si Garces ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.
Ayon pa kay Diamante, inaalam pa nila kung may koneksyon sa trabaho ni Garces bilang traffic enforcer ang ginawang pagpaslang sa kanya.
Ngunit nakatanggap aniya ng ulat ang kanilang tanggapan na may napag-awayan si Garces at ang kanyang tiyuhin na may koneksyon sa lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.