‘Blitzkrieg attack’ ang ikinasa ni Pangulong Duterte kay Sen. de Lima
Sinabi ni dating Representative Walden Bello na ang panggigipit at pag-atake ni Pangulong Duterte kay Senator Leila de Lima ay pagpapakita ng maaring gawin ng kasalukuyang administrasyon.
Sinabi pa ni Bello sa isang webinar ukol sa political prisoners sa bansa na nais ding patunayan ng administrasyong Duterte na ang anumang pagpalag sa kanilang pamamahala ay mawawalan din ng saysay.
“True, the persecution of Sen. Leila was to Duterte partly a settling of personal scores, the guy’s getting back at her for daring to investigate him for the Davao Death Squad killings. But, probably more important, it was a campaign undertaken for what social psychologists would call its ‘demonstration effect’ on the citizenry,” paliwanag ni Bello.
Nagtanim aniya ng galit si Pangulong Duterte kay de Lima nang ilantad ng huli ang kaugnayan ng una sa Davao Death Squad noong ang senadora pa ang namumuno sa Commission on Human Rights (CHR).
Nagningas pa lalo ang galit ng Punong Ehekutibo nang hilingin ni de Lima sa Senado na imbestigahan ang nangyayaring extrajudicial killings (EJKs) kasabay nang pagkasa ng Oplan Tokhang.
Kasunod nito, natanggal na si de Lima bilang pinuno ng Senate Committee on Justice and Human Rights, na sinundan pa ng pagsasampa ng drug cases sa kanya at nagresulta ito sa kanyang pagkakakulong ng mahigit ng apat na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.