Term sheet para sa procurement ng 40-M doses ng Pfizer COVID-19 vaccines para sa Pilipinas, inaasahang malagdaan ngayong araw
Inaasahang lalagdaan ang term sheet para sa procurement ng 40 milyong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNtech para sa Pilipinas sa araw ng Biyernes, May 14.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., naaprubahan na ang tinatawag na ‘head of terms’ at nakapirma na ang global representatives.
Pipirmahan aniya nila ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa araw ng Biyernes.
Sa ngayon, nakatanggap na ang bansa ng 193,050 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer.
Nagmula ang naturang bakuna sa COVAX facility na pinangungunahan ng World Health Organization (WHO).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.