Pangulong Duterte, inimbitahan si Enrile na magsalita ukol sa usapin ng WPS
Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senador Juan Ponce Enrile na magsalita kaugnay sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa Pangulo, si Enrile kasi ang higit na nakakaalam sa WPS.
Giit ng Pangulo, bilib siya sa utak at pag-intindi ni Enrile sa WPS.
“We have respectfully invited Senator Enrile to come here kasi hindi naman ako puwedeng lumabas na magusap, pakinggan natin sya, hindi na ako magsalita, makikinig lang ako sa kanya kasi siya yung, he was there right at the beginning, so sa kanya ako makinig, kasi sa kanya ako bilib sa utak at pagintindi nitong problema, itong ating West Philippine Sea, ” pahayag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, hangad niya na tanggapin ni Enrile ang kanyang imbitasyon.
“But I am sure hopefully, I hope that Senator Enrile would accept the invitation to be our guest here, Monday, kasi, more or less, isa siya sa mga tao na nirerespeto ko talaga both intellectually and… so, yun na lang ang maiwan ko sa inyo…” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.