‘New normal loans’ inihirit ni Sen. Imee Marcos sa sektor ng agrikultura

By Jan Escosio May 14, 2021 - 09:42 AM

Nais ni Senator Imee Marcos na bigatan ang multa sa mga bangko na hindi makakasunod sa batas ukol sa pagpapa-utang sa mga magsasaka, mangingisda at maging sa agrarian reform beneficiaries.

Ayon kay Marcos dapat ay pinag-iisipan at pinaghahanda na ng mga bangko ay ‘new normal loans’ sa mga nagta-trabaho o nabubuhay sa sektor ng agrikultura.

Nabanggit pa ng senadora maging sa vaccination plan ng ng mga kooperatiba ng mag magsasaka ay dapat may maiaalok na tulong ang mga bangko.

“Banks should be more open to providing new normal loans supporting the shift to digitization, particularly e-marketing and e-commerce, green financing for environment-friendly technologies and products, as well as vaccination programs that farmers’ cooperatives may take up, even health and wellness tourism that may become a new facet of the agri-agra sectors,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs.

Paliwanag pa niya, nakasaad sa Republic Act 10000, kinakailangan na inalalaan ng mga bangko ang 25 porsiyento ng kanilang loanable funds sa agri-agra sectors at may kinauukulang multa kung sila ay mabibigo na makasunod.

Naniniwala si Marcos na kapag tinataasan ang multa sa mga bangko ay mas bubuti ang pagpapa-utang nila sa mga magsasaka at mangingisda.

TAGS: COVID-19, Imee Marcos, magsasaka, new normal loans, COVID-19, Imee Marcos, magsasaka, new normal loans

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.