Lifestyle checks sa government officials, employees gagawin ng ARTA
Mag-eendorso ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ng mga opisyal ng gobyerno at kawani na kinakailangan sumailalim sa lifestyle check.
Inihayag ito ni ARTA Director General Jeremiah Belgica bunsod ng pagkakaantala ng pag-proseso ng permit applications ng ibat-ibang produkto sa Food and Drug Administration (FDA).
Una nang inisyuhan ng ARTA ng show-cause order si FDA Center for Drug Regulation and Research Director Jesusa Cirunay para maipaliwanag ang pagkakabinbin ng 600 applications ng mga pharmaceutical companies sa kabila nang pagkumpleto sa lahat ng kinakailangan dokumento.
Sinabi pa ni Belgica na may mga impormasyon na sila ukol sa mga taga-gobyerno na iniendorso na nila sa PACC para isailalim sa lifestyle check.
Paliwanag niya halos magkaugnay ang korapsyon at red tape dahil aniya kapag tumatagal ang pag-aksyon ng ahensiya ay humahanap na ng paraan ang indibiduwal para mapabilis ang pag-apruba ng kanyang aplikasyon.
Aniya ipinarating na niya kina Health Secretary Francisco Duque III at FDA Director General Eric Domingo ang isyu para sa kinauukulang aksyon.
Diin pa ni Belgica nakakabahala lang na ngayon ay pandemya ay naaantala pa ang aplikasyon para sa mga gamot at produktong-pangkalusugan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.