NCR Plus isasailalim sa GCQ with heightened restrictions

By Chona Yu May 14, 2021 - 09:28 AM

Kuha ni Erwin Aguilon/Radyo Inquirer On-Line

Simula bukas, Mayo 15 ilalagay na sa general community quarantine with heightened restrictions ang National Capital Region Plus.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na ilagay sa GCQ ang NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang sa Mayo 31, 2021.

Kasama rin sa GCQ ang Cordillera Administrative Region, kabilang na ang Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province at Abra; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Iligan City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Isasailalim naman sa Modified Enhanced Community Quarantine mula Mayo 15 hanggang 31, 2021 ang Santiago City at Quirino Province sa Region 2; Ifugao sa Cordillera Administrative Region; at Zamboanga City sa Region 9.

Isasailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang natitirang bahagi ng bansa hanggang sa katapusan ng Mayo.

Paliwanag ni Roque, sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions, tanging ang mga  essential travels mula at palabas ng NCR Plus ang pinapayagan lamang.

Mananatiling bukas ang public transporation basta’t susunod lamang sa itinakdang seating capacity at health protocols.

Lahat ng in-door services sa NCR plus ay hanggang 20% venue o seating capacity habang ang outdoor o al fresco dining ay nasa 50% venue o seating capacity.

Pinapayagan din ang outdoor tourist attractions sa NCR Plus ng hanggang 30 percent capacity lamang.

Pinapayagan na rin ang specialized markets na inaprubahan ng Department of Tourism (DOT).

Nasa 10 percent naman ang venue capacity para sa mga religious gatherings at gatherings para necrological services, wakes, inurnment at funerals na namatay dahil sa COVID-19.

Pinapayaga na rin sa GCQ areas ang non-contact sports, games, scrimmages held outdoors; at personal care services.

Hindi naman pinapayagan ang entertainment venues, gaya ng bars, concert halls, theaters, recreational venues, gaya ng  internet cafes, billiards halls, arcades, amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides; indoor sports courts at venues para sa indoor tourist attractions; venues para sa  meetings, conferences, exhibitions.

 

TAGS: COVID-19, GCQ with heightened resrections, Harry Roque, NCR plus, Rodrigo Duterte, COVID-19, GCQ with heightened resrections, Harry Roque, NCR plus, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.