3,200 health protocols violators, nahuli sa ‘one-time, big-time’ ops sa QC

By Angellic Jordan May 12, 2021 - 11:32 PM

Nahuli ng Quezon City government ang 3,200 katao sa ikinasang “one-time, big-time” operation sa 142 barangay sa lungsod hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (May 12).

Magkatuwang sa operasyon ang Department of Public Order and Safety, QC Police District, Task Force on Transport and Traffic Management, Task Force Disiplina, at Market Development and Administration Department.

Dinala ang mga lumabag sa Quezon Memorial Circle para sa proper documentation at lecture ukol sa mga ordinansa na ipinatutupad na may kinalaman sa minimum health protocols sa lungsod.

Nabigyan din sila ng Ordinance Violation Receipts (OVR) na may multang P300 para sa unang offense, P500 sa ikalawang offense, at P1,000 sa ikatlong offense.

Binigyan ng sapat na panahon ang mga violator para mabayaran ang multa.

Kapag nabigong magbayad sa itinakdang panahon, magsasampa ng kaso ang City Prosecutors Office na makikita sa kanilang police clearance.

Para matiyak ang kaligtasan sa kasagsagan ng operasyon, sinumang makaranas ng sintomas ng COVID-19 ay isinailalim sa swab testing.

Nagbigay din ang QC LGU ng face masks at face shields sa mga nahuling violator.

Ayon kay DPOS head Gen. Elmo San Diego (Ret.), layon ng operasyon na mabawasan ang bilang ng health protocol violators sa lungsod.

“Ginawa na natin itong ‘One Time Big Time’ noong nakaraang buwan, at gagawin pa rin natin ngayon. Hindi tayo titigil hangga’t marami pa ring pasaway na hindi sumusunod sa ating local ordinances on health protocols,” saad ni San Diego.

Ayon naman kay Mayor Joy Belmonte, “Ikinasa itong One Time Big Time operations sapagkat marami pa rin ang hindi sumusunod sa health protocols. Gayunman, ipatutupad pa rin natin ang maximum tolerance at ang mga mahuhuling lumabag ay bibigyan ng ticket.”

TAGS: Health protocol violators, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, one time big time ops, Radyo Inquirer news, Health protocol violators, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, one time big time ops, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.