Higit 9,200 ecstacy tablets nakumpiska sa QC-Central Post Office, 2 arestado
Inabangan ng mga ahente ng PDEA ang kukuha sa Central Post Office sa Quezon City sa tatlong kahon na nadiskubreng naglalaman ng libo-libong Ecstacy tablets na nagmula sa The Netherlands.
Hindi naman nabigo ang PDEA at naaresto sina Rowena Evangelio, ang kinatawan ng consignee na si Glorie Joy Buzeta, ng West Kamias, Quezon City, at ang rider na si Michael de Guzman, ng Pasig City.
Sa inisyal na impormasyon mula kay Dir. Derrick Carreon, tagapagsalita ng PDEA, idineklara na mga baby clothes, handbag at sapatos ang laman ng tatlong kahon, na ipinadala ng isang Abner Buzeta mula sa Amsterdam.
Ngunit nang busisiin ang mga kahon, ito ay naglalaman ng 9,243 Ecstacy tablets na tinatayang nagkakahalaga ng higit P15.71 milyon.
Iniimbestiagahan pa kung may nalalaman talaga sina Evangelio at de Guzman sa drug shipment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.