Baseco beach no swimming zone pa rin

By Chona Yu May 12, 2021 - 12:03 PM

Nanatiling sarado sa publiko ang Baseco beach sa Maynila.

Ayon kay Police Lt. Philip Fontecha, Police Community Precinct 13 commander,  bawal pang maligo ang mga residente kahit summer na.

Hangga’t wala aniyang utos si Manila Mayot Isko Moreno, mananatiling bawal ang paliligo sa Baseco beach.

Gayunman, sinabi ni Fontecha na pinapayagan naman ng kanilang hanay ang mga residente na mag jogging o walking sa baybaying dagat sa umaga at hapon.

May mga pagkakataon aniya na may mga bata ang hindi maiwasan na maglublob sa dagat dahil sa mainit na panahon.

May ilang residente na rin aniya ang nahuli dahil naligo sa Baseco beach.

Dinadala aniya sa presinto ang mga nahuhuli at pinapangaralan.

Hindi na aniya kinakasuhan at pinapakawalan din.

TAGS: Baseco, Maynila, Baseco, Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.