Senado at Kamara hinimok maglabas ng nagkakaisang ‘stand’ ukol sa West Philippine Sea

By Erwin Aguilon May 12, 2021 - 07:57 AM

Pinaglalabas ng isang “joint resolution” ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers ang Kamara at Senado kung saan nakasaad ang stand ng Kongreso sa isyu ng West Philippine Sea.

Ayon kay Barbers, ang naturang joint resolution ay gagawin hindi para magdeklara ng giyera o kung anuman.

Ang joint resolution aniya ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay hangad na magkaroon ng “united voice” o posisyon hinggil sa pag-angkin ng China sa ating mga teritoryo at presensya ng kanilang pwersa sa West Philippine Sea gaya sa Julian Felipe reef.

Naniniwala rin si Barbers na ang joint resolution ay magsisilbing matibay na boses na maririnig ng international community na maaaring magpalambot sa China.

Sa ngayon anya ay wala pang joint resolution ang Kamara at Senado, pero umaasa siyang maikukunsidera ito dahil mahalaga ang iisang boses ng dalawang kapulungan.

Dagdag ng mambabatas, kailangan na magpakita ang ating bansa ng sinseridad para angkinin ang pag-aari ng Pilipinas.

Giit ni Barbers, huwag dapat umalis ang pwersa ng Pilipinas sa teritoryo dahil kailangang magpakita tayo na may nagbabantay doon kahit isang libo o gaano pa karami ang mga barko ng China.

TAGS: Kamara, Rep. Robert Ace Barbers, Senado, West Philippines sea, Kamara, Rep. Robert Ace Barbers, Senado, West Philippines sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.