LPA, namataan sa loob ng bansa; ITCZ, umiiral pa rin
May pumasok na low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), araw ng Martes.
Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, pumasok ang LPA sa teritoryo ng bansa bandang 10:00 ng umaga.
Dakong 3:00 ng hapon, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 640 kilometers Silangan ng Davao City.
Nakapaloob aniya ang LPA sa umiiral na Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Bunsod ng mga nasabing weather system, asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Mindanao at Palawan hanggang Martes ng gabi.
Mananatili namang maaliwalas ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa.
Maari pa rin aniyang makaranas ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.