Arestadong mataas na opisyal ng Anakpawis namatay sa COVID-19

By Jan Escosio May 11, 2021 - 01:16 PM

Sumakabilang buhay kaninang umaga, Mayo 11 dahil sa mga komplikasyon dulot ng COVID-19 ang arestadong opisyal ng grupong Anakpawis.

Base inilabas na pahayag ng grupo, namatay si Joseph Canlas dahil sa hindi makatarungan at matagal na pagkakakulong.

Si Canlas ay vice-chairperson ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, chairman ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson at bise-presidente ng Anakpawis partylist.

Sa unang inilabas na pahayag ng KMP, sinabi na ang miserableng kondisyon sa kulungan at pagpapabaya ng jail officers ang nagpapalala sa kondisyon ni Canlas.

Noong Sabado isinugod na sa Jose B. Lingad Memorial Hospital sa Pampanga si Canlas matapos makaranas na ng hirap sa paghinga at kahapon ay na-comatose na ito at nilagyan ng mechanical ventilator.

Nabatid na ito ay may hypertension at diabetes.

Inaresto siya Noong Marso 30 at ayon sa kanyang mga kasama, gawa-gawa ang mga kaso at ebidensiya na isinampa laban kay Canlas.

TAGS: ANAKPAWIS, COVID-19, Joseph Canlas, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, ANAKPAWIS, COVID-19, Joseph Canlas, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.