US Embassy sinabing 2.3M doses ng Pfizer vaccines ang tatanggapin ng Pilipinas mula sa COVAX facility

By Jan Escosio May 11, 2021 - 01:12 PM

PCOO photo

Ikinalugod ng US Embassy ang pagdating ng 193,050 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines kahapon, Mayo 10 sa pamamagitan ng COVAX facility.

Ang Amerika ang may pinakamalaking kontribusyon sa COVAX at ang nagpondo ng isa sa limang pagpapabakuna na magmumula sa nabanggit na pasilidad.

“As the largest contributor to COVAX, the United States welcomes the arrival of the Pfizer-BioNTech vaccine here in the Philippines.  I am proud that this extraordinarily safe and effective vaccine, developed through U.S. scientific ingenuity, will protect Filipinos.  As we fight the pandemic together, the United States will continue to support the Philippines’ vaccination and COVID-19 mitigation efforts,” sabi ni U.S. Embassy Chargé d’Affaires John Law.

Nabatid na nag-ambag ang gobyerno ng US ng $2 billion sa COVAX para matiyak na ang ibang mga bansa tulad ng Pilipinas ay tiyak na makakatanggap ng bakuna.

Nangako ang US na magdadagdag pa ng $2 bilyon sa kanilang kontribusyon sa COVAX.

Umaabot na sa 2.5 milyong bakuna ang natanggap ng Pilipinas mula sa COVAX at ang kabuuang bilang ng Pfizer vaccines na dadalhin sa bansa ay 2.3 milyon.

TAGS: COVAX facility, Pfizer-BioNTech vaccines, U.S. Embassy Chargé d’Affaires John Law, US government, COVAX facility, Pfizer-BioNTech vaccines, U.S. Embassy Chargé d’Affaires John Law, US government

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.