Joke ni Pangulong Duterte hindi katawa-tawa sa lahat – Sen. Ping Lacson

By Jan Escosio May 11, 2021 - 12:04 PM

Hindi lahat ng biro ni Pangulong  Rodrigo Duterte ay nakakatawa para sa sambayanan.

Ito ang sinabi ni Senador  Panfilo”Ping” Lacson bilang reaksyon sa pahayag ni Pangulong Duterte kagabi, Mayo 10 na nagbibiro lang siya nang mangako siya na sasakay ng jet ski papuntang Spratly Islands para magtanim ng bandera ng Pilipinas.

Ginawa ni Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya para sa 2016 presidential elections.

Ayon kay Lacson napaka-seryosong isyu ng pakikipag-agawan ng Pilipinas sa West Philippine Sea para gawing biro.

Diin ng senador mahirap basahin ang isip ng pangulo dahil hindi alam kung kailan siya seryoso at kailan siya nagbibiro lalo na kung siya ay nagsasalita sa sambayanan.

Sabi pa ni Lacson maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nalilito na rin sa mga pahayag ni Pangulong Duterte habang ang China ay patuloy na pumapasok sa teritoryo ng bansa.

“Bumibili tayo ng galunggong sa China na galing sa ating karagatan. Binibili natin ang isda na atin?” ang tanong ni Lacson.

Muli niyang iginiit na panahon na para pagtibayin ng Pilipinas ang relasyon sa mga kaalyado tulad ng Amerika, Japan, Australia at mga bansa sa Europe.

TAGS: biro, China, Jet Ski, ping lacson, Rodrigo Duterte, spratly islands, West Philippine Sea, biro, China, Jet Ski, ping lacson, Rodrigo Duterte, spratly islands, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.