Isa patay, 5 sugatan matapos araruhin ng truck ang mga humihingi ng ayuda sa Bulacan

By Erwin Aguilon May 11, 2021 - 11:44 AM
Nasa lima ang nasugatan habang isa ang nasawi makaraang araruhin ng dump truck sa gilid ng city hall ng San Jose del Monte City, Bulacan ang mga humihingi ng ayuda na naapektuhan ng pandemya sa COVID-19. Nabatid na inatake sa puso ang driver ng dump truck na pag-aari ng lokal na pamahalaan dahilan upang masagasaan ang mga tao na pumipila sa ayuda. Nakilala ito na si Herminio Gerona 57 anyos, driver at residente ng zone 4, Brgy Graceville ng nasabing lungsod. Kaagad namang isinugod sa ospital ang lima sa mga nasugatan habang ang apat at binigyan ng pangunang lunas sa lugar. Ayon naman kay San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes sasagutin lahat ng lokal na pamahalaan ang gastos ng mga nasugatan at nasawi sa insidente.

TAGS: araruhin, Bulacan, ECQ ayuda, Herminio Gerona, isa patay, san jose del monte, San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes, truck, araruhin, Bulacan, ECQ ayuda, Herminio Gerona, isa patay, san jose del monte, San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.