Pinakamahihirap na bahagi ng populasyon mabibigyan din ng ayuda sa ilalim ng Bayanihan 3

By Erwin Aguilon May 11, 2021 - 08:21 AM

Kasama na rin sa mabibigyan ng ayuda ang mga ‘household’ na apektado ng COVID-19 sa ilalim ng Bayanihan 3.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, mayroong nakapaloob sa Bayanihan 3 na P5,000 hanggang P10,000 na ayuda para sa bawat household na apektado ng COVID-19 pandemic.

Paglilinaw ni Salceda, hindi ito ‘universal’ tulad sa P2,000 o P216 Billion cash asssistance na kung saan lahat ng 108 million na mga Pilipino ay makakatanggap.

Aniya, ang household ayuda na ito ay ‘targeted’ at ibabase sa pinakamahihirap na bahagi ng populasyon.

Ang ayuda para sa bawat pinakamahihirap na household ay ‘top-up’ o dagdag lamang sa mga tulong na pwedeng makuha ng mga Pilipino sa ilalim ng Bayanihan 3.

Pahayag ito ni Salceda sa kabila ng pag-amin ni Budget Secretary Wendel Avisado na walang mahuhugutang pondo ang pamahalaan para sa isinusulong na P405.6 billion na Bayanihan to Arise as One Act.

TAGS: Bayanihan 3, COVID-19, ECQ ayuda, household, joey salceda, Bayanihan 3, COVID-19, ECQ ayuda, household, joey salceda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.