Bureau of Immigration, biglang nag-reshuffle

By Kathleen Betina Aenlle April 16, 2016 - 04:05 AM

INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ
INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Sinorpresa ng Bureau of Immigration ang mga empleyado nito nang biglaan itong magsagawa ng reshuffling.

Kabuuang 146 na tauhan ng Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang inalis sa kani-kanilang mga kinalalagyang pwesto at idinestino sa ibang lugar.

Karamihan sa mga empleyadong sakop ng reshuffling ay mga immigration supervisors at immigration officers na nakatalaga sa NAIA, na pawang ikinagulat ang hakbang na ito ni Immigration Commissioner Ronaldo Geron.

Akala kasi ng mga empleyado, dahil panahon na ng eleksyon ay sakop ang Immigration sa ban ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa pagtatalaga at paglilipat ng mga tauhan ng pamahalaan.

Pinlano na pala ito ni Geron dahil nag-apply siya ng exemption sa COMELEC, at naganap pa nga umano ang reshuffle sa mismong araw na pumayag ang poll body sa hiling ng commissioner.

Ang iba ay itinalaga sa ibang paliparan partikular na sa Mactan-Cebu, Kalibo at Davao, habang ang iba naman ay inalis na sa NAIA at ibinalik sa opisina ng Immigration sa Maynila.

Ginawa ito ni Geron bilang isa sa kaniyang mga hakbang upang matigil na ang katiwalian sa kaniyang ahensya na madalas inirereklamo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.