Pagturok ng magkaibang COVID-19 vaccines kinuwestiyon ni Sen. de Lima
Duda si Senator Leila de Lima na kapritso at hindi siyensya ang nagtulak sa Department of Health (DOH) para magbalangkas na ng guidelines para sa ‘mixed-use vaccinations.
Sinabi ni de Lima na may mga isinasagawa ng trials sa ibang mga bansa para sa pagtuturok ng magkaibang brand ng COVID 19 vaccines, ngunit wala pang konkretong ulat ukol sa kaligtasan at bisa ng ganitong diskarte.
Ang hakbang anya ng kagawaran ay bunga ng pambabatikos kay Pangulong Duterte sa pagpapaturok niya ng Sinopharm vaccine na wala pang emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Kasunod nito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagsosoli ng natitirang Sinopharm vaccines sa China bagamat kailangan pa niya ang second dose ng bakuna.
Una na rin inihayag ng Malakanyang na hindi kasama sa mga isosoling bakuna ang second dose ng Punong Ehekutibo.
“They (DOH) need to be reminded that their mandate is to promote and safeguard public health and not protect Duterte’s “feelings”. If Duterte wishes to withdraw the Sinopharm vaccine and experiment with a different 2nd dose, then by all means let him. Why is there a need to impose this as a national policy?” tanong ni de Lima.
Diin pa nito, ibang usapan na kung pag-eeksperimentuhan ang taumbayan para lamang bigyan katuwiran ang paggamit ni Pangulong Duterte ng smuggled na bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.