Paggamit ng Ivermectin bilang human consumption, aprubado na ng FDA
Inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang paggamit sa tao ng Ivermectin.
Ayon kay FDA director general Eric Domingo, binigyan na ng certificate of product registration ang kompanyang Lloyd Laboratories para sa pag-manufacture at magbenta ng Ivermectin.
Ayon kay Domingo, binigyan nila ng permit ang kompanya para sa locally manufactures Ivermectin bilang antinematode drug.
Nabatid na ang Nematode ay isang uri ng parasitic worm o bulate.
Agad namang nilinaw ni Domingo na ang certificate of product registration para sa Ivermectin ay hindi para panggamot sa COVID-19.
Pero bahala na aniya ang publiko kung maniniwala sila na nakakagamot ang Ivermectin sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.