Mga pasaway na mahuhuli sa paglabag sa health protocols, pinabibigyan ng face mask ni Senador Bong Go

By Chona Yu May 08, 2021 - 09:00 AM

Hinimok ni Senador Bong Go ang pamahalaan na bigyan ng libreng face mask ang sinumang mahuhuli sa paglabag sa health protocols laban sa COVID-19.

Pahayag ito ni Go matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte sa Philippine National Police na hulihin ang mga hindi nagsusuot ng face mask ng maayos.

Ayon kay Go, chairman ng Senate committee on Health, sinabi nito na nakausap niya si PNP Chief Guillermo Eleazar na bago hulihin ang mga pasaway, dapat bigyan ito ng pangaral at face mask.

“Napagkasunduan po namin na kapag nahuli po ng pulis at bago ilagay sa selda at tuturuan, ile-lecture, ay bigyan po ng face mask dahil baka ang mga ito ay wala talagang pambili ng face mask, kawawa naman.  Baka doon pa sila magkahawaan sa selda,” pahayag ni Go.

Ayon kay Go, sang-ayon siya sa desisyon ni Pangulong Duterte na higpitan ang pagpapatupad ng health protocols para maprotektahan ang lahat sa COVID-19.

“Bilang chair ng Senate Committee on Health, sang-ayon ako na kailangang mas higpitan ang pagpapatupad ng mga protocols para maiwasan ang lalong pagkalat ng sakit,” pahayag ni Go.

“Subalit, maliban sa tapang upang madisiplina ang ayaw talaga sumunod, kailangan din natin ng malasakit para sa mga kababayan nating hindi makasunod dahil sa kahirapan ng buhay at kakulangan ng tamang impormasyon,” pahayag ng Senador.

Dapat aniyang maitanim sa isip ng bawat isa ang ibayong pag-iingat para makaligtas sa pandemya.

“Maliban sa pagbigay ng libreng mask, turuan rin dapat ang taumbayan kung bakit importante ang mga patakarang ito. Sa panahong ito na kung saan andyan pa ang banta ng kalabang hindi naman nakikita, kailangan natin ang disiplina at pakikiisa ng bawat Pilipino,” pahayag ni Go.

 

TAGS: bong go, COVID-19, face mask, Guillermo Eleazar, PNP, bong go, COVID-19, face mask, Guillermo Eleazar, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.