Kulungan ni Sen. de Lima hiniling na ‘mapalamig’ para iwas sa ‘heat stroke’

By Jan Escosio May 06, 2021 - 07:56 PM

Sumulat ang tatlong minority senators sa PNP at hiniling na masunod ang rekomendasyon ng doktor ni Senator Leila de Lima na malagyan ng air-conditioning unit ang kulungan nito sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Ang sulat, na may petsang May 4, ay pirmado nina Senate Minority Leader Frank Drilon, Sens. Risa Hontiveros at Francis Pangilinan, at ito ay para kay Police Brig. Gen. Arthur Bisnar, director ng PNP Headquarters Support Service.

Sinabi ng tatlong senador maaring dumanas na naman ng ‘heat stroke’ si de Lima dahil sa kulang sa bentilasyon sa kanyang kulungan.

Kamakailan, kinailangan na ma-confine sa isang ospital si de Lima at sumailalim ito sa serye ng mga pagsusuri matapos idaing nito ang madalas na pananakit ng ulo at panghihina ng katawan.

Nadiskubre na ang mga idinaing ni de Lima ay bunga ng mainit niyang kulungan at ingay.

Nabatid na noong Abril 29, hiniling na rin ng opisina ni de Lima na mapagbuti ang kondisyon ng kanyang kulungan para na rin sa kanyang kalusugan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.