Second dose ng Sinopharm vaccine ni Pangulong Duterte hindi isosoli sa China
Dahil naturukan na siya ng first dose ng Sinopharm vaccine, hindi makakasama sa isasauling bakuna ang second dose para kay Pangulong Duterte.
Ito ang ginawang paglilinaw ng Malakanyang matapos ipag-utos ng Pangulo ang pagbalik sa Chinese Embassy ng donasyong Sinopharm vaccines.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, kailangan makumpleto ang dalawang dose ng bakuna.
Nilinaw din ni Roque na ang natitira na lang sa 1,000 doses ang maisasauli sa China.
Umani ng batikos si Pangulong Duterte nang makumpirma na nabakunahan ito ng Sinopharm vaccine noong Mayo 4 sa kabila ng kawalan ng emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA) para maiturok ang China-made vaccine.
Humingi na ng paumanhin si Pangulong Duterte sa pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.