Sen. Villanueva umapela sa HK gov’t ukol sa ‘vaccine discrimination’ sa OFWs

By Jan Escosio May 05, 2021 - 04:46 PM

Joel Villanueva Facebook

Naninawala si Senator Joel Villanueva na diskriminasyon para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) ang plano ng gobyerno ng Hong Kong na bakunahan ang lahat ng domestic workers.

Diin ni Villanueva dapat ay hindi sa kapritso lang ng gobyerno ang pagkasa ng vaccination rollout kundi sa talagang pangangailangan.

“It should not be made a requisite for work visa renewal more so if other foreigners in that country are exempted from mandatory vaccination. It is patently discriminatory,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Labor.

Aniya dito sa bansa ay walang pilitan sa mga dapat bakunahan at ang ginagawa ng gobyerno ay pagkumbinsi lang sa mga kailangan maturukan ng COVID 19 vaccines.

Unang inanunsiyo ng health officials ng Hong Kong ang planong gawin mandatory ang pagpapabakuna sa foreign domestic workers sa pagpapa-renew o pag-apply ng working visa sa katuwiran na ang mga ito ay ‘high risk.’

TAGS: covid 19 vaccine, Hongkong, ofw, Sen. Joel Villanueva, covid 19 vaccine, Hongkong, ofw, Sen. Joel Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.