EO 128 sa pork importation aamyendahan matapos magkasundo ang mga senador, economic managers

By Jan Escosio May 05, 2021 - 04:40 PM

‘Compromised reached!’

Ito ang isinagot ni Senate President Vicente Sotto III sa Senate media kaugnay sa pulong ng ilang senador at government economic managers ukol sa Executive Order 128 ni Pangulong Duterte.

Kinumpirma ni Sotto na aamyendahan ang inilabas na kautusan ng Malakanyang ukol sa pagpapasok ng imported pork products sa bansa.

Bago ito, parehas na ayaw magpakabig ng dalawang panig sa kanilang mga posisyon.

Tumanggi naman ang senador na magbigay pa ng karagdagang detalye sa katuwiran na si Finance Sec. Carlos Dominguez III na lang ang mag-aanunsiyo ng mga napagkasunduan.

Sinabi nito, kailangan lang talagang balansehin ang epekto ng inflation gayundin ang hinaing ng mga local hog raisers.

TAGS: meat imporation, Secretary Carlos Dominquez III, Vicente Sotto III, meat imporation, Secretary Carlos Dominquez III, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.