Pagpasa ng Kamara sa panukalang Bayanihan 3 tiniyak ni Speaker Velasco
Siniguro ni House Speaker Lord Alan Velasco na maaaprubahan kaagad ng Kamara sa pagbabalik ng kanilang sesyon ngayong Mayo ang panukalang Bayanihan 3.
Ayon kay Velasco, determinado ang Kamara na agad maipasa ang panukala kaya naman mamadaliin nila ang pagtalakay at pag-apruba nito sa plenaryo ng Mababang Kapulungan.
Kumpyansa si Velasco na kaunting pag-uusap na lamang sa pagitan ng Department of Finance (DOF) ay maaaprubahan na ang Bayanihan 3.
Katunayan, ay madalas aniya ang ugnayan ng Kamara at DOF partikular sa pagtiyak ng funding sources ng lifeline measure.
Tiwala pa si Velasco na ang ikatlong economic stimulus package ay makapagbibigay ng kinakailangang tulong ng mga pinakamahihirap na indibidwal, pamilya at maliliit na negosyong pinabagsak ng pandemya.
Ang pahayag ng Speaker ay kasunod na rin ng pagkakaapruba ng tatlong komite sa Kamara ng Bayanihan 3 na may pondong P405.6 Billion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.