Pagmumura ni Sec. Locsin hindi polisiya ng Malakanyang

By Chona Yu May 04, 2021 - 04:36 PM

 

Photo grab from DFA Twitter video

Hindi polisiya ng Palasyo ng Malakanyang ang ginawang pagmumura ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa China.

Sa tweet ni Locsin, sinabihan ng kalihim ang China na “get the f*ck out” of Philippine waters” dahil sa patuloy na pananatili ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang mga binitiwang maanghang na salita ni Locsin ay bahagi ng kanyang karapatan ng malayang pananalita.

Sinabi pa ni Roque na personal na pananaw  ni Locsin ang naturang pahayag.

Ang anuman anyang pagkakaiba ng Pilipinas at China sa usapin sa West Philipine Sea ay hindi  magiging basehan sa bilateral  relations ng dalawang bansa.

 

TAGS: China, DFA, Sec. Harry Roque, Sec. Teodoro Locsin, West Philippine Sea, China, DFA, Sec. Harry Roque, Sec. Teodoro Locsin, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.