Patuloy na pagbili ng pamahalaan ng mga imported PPEs pinaiimbestigahan sa Kamara

By Erwin Aguilon May 04, 2021 - 10:02 AM
Nais maimbestigahan ng Makabayan bloc sa Kamara ang patuloy na pagbili ng gobyerno sa mga imported na personal protective equipment (PPEs) sa halip na lokal na gawa sa bansa. Sa House Resolution 1735 na inihain ng Makabayan bloc, inaatasan ang House Committee on Trade and Industry na silipin ang patuloy na pagtangkilik ng gobyerno sa mga imported na PPEs na karaniwang galing sa China. Gustong alamin ng mga progresibong mambabatas ng  Kamara ang epekto sa local industry ng  pagkiling ng pamahalaan sa mga imported na PPEs sa gitna pa rin ng nararanasang COVID-19 pandemic. Tinukoy sa panukala na iniulat ng Confederation of Wearable Exporters of the Philippines (CONWEP) na sa 120,000 workers sa local garment industry ay aabot sa 25,400 na mga manggagawa ang tinanggal sa trabaho. Sa bilang na ito, 3,500 na mga empleyado ay mula sa tatlong kumpanya na ini-repurpose para sa local production ng mga PPEs. Batay pa sa CONWEP, ipinatawag sila ng pamahalaan noong nakaraang taon upang punan ang pangangailangan ng bansa sa medical grade na PPEs kung saan agad silang bumuo ng Coalition of Philippine Manufacturers of PPE (CPMP) at namuhunan para sa paggawa ng PPEs na aabot sa P1.7 billion. Sa kabila anila ng panghihikayat ng pamahalaan sa local production ng PPEs ay patuloy pa rin ang gobyerno sa pagbili ng imported na mga PPEs na nagiging sanhi ng pagkalugi ng husto ng mga local manufacturers. Nababahala din ang lokal na industriya dahil hindi nila magawang makapagsabayan sa mga naglipana ngayong mga foreign PPEs na ibinebenta sa murang halaga at ang iba ay substandard pa.

TAGS: House Resolution 1735, imported PPE, Makabayan bloc, House Resolution 1735, imported PPE, Makabayan bloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.