Bayanihan 3 magbibigay ng malaking tulong sa ekonomiya at mga nasapol ng COVID-19

By Erwin Aguilon May 04, 2021 - 08:51 AM
Kumpyansa si House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas na malaki ang maitutulong ng Bayanihan 3 sa ekonomiya at “social relief” sa mga Pilipinong lubhang apektado ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Vargas, sa pamamagitan ng Bayanihan 3 ay maisusulong ang panibagong sigla sa ekonomiya ng bansa habang binibigyan din ng pag-asa ang mga tao para maka-ahon mula sa hirap na dala ng pandemya. Inihalimbawa ng mambabatas ang ilang nakapaloob sa panukala na nag-aalok ng iba’t ibang uri ng tulong upang matiyak na hindi lamang mabibigyan ng pinansyal na ayuda ang mga tao, kundi magsisiguro na mayroong sapat na suplay ng pagkain, at matutugunan ang mga pangangailangang-medikal ng mga benepisyaryo. Ibinida pa ni Vargas ang isinusulong na alokasyon para sa medical assistance sa mga mahihirap; libreng swab test para sa overseas Filipino workers (OFWs), pondo para sa pension and gratuity ng military at iba pang unipormadong personnel; at budget para sa information technology para programa ng Department of Education. Kahapon, lumusot sa komite sa Kamara ang panukalang Bayanihan 3.

TAGS: Bayanihan 3, COVID-19, House Committee on Social Services Chairman Alfred Vargas, pandemic, social relief, Bayanihan 3, COVID-19, House Committee on Social Services Chairman Alfred Vargas, pandemic, social relief

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.