Kaso ng COVID 19 sa bansa nadagdagan ng 7,225; 69,466 ang aktibong kaso

By Jan Escosio May 03, 2021 - 04:12 PM

Inanunsiyo ng DOH na nakapagtala ng karagdagang 7,225 bagong COVID 19 cases sa bansa ngayon araw.

Kaugnay nito, kabuuang 1,062,225 ang naitalang kaso ng nakakamatay na sakit sa bansa at may 69,466 ang aktibo o may katumbas na 6.5 porsiyento.

May 9,214 naman na gumaling samantalang napatungan ng 94 ang bilang ng mga nasawi sa sakit.

Sa kabuuan, 975,234 na ang gumaling katumbas ng 91.8 porsiyento, samantalang umaabot na sa 17,525 (1.65 porsiyento) ang namatay.

Noong Mayo 1, may 44,107 ang na-test at 15.7 porsiyento sa kanila ang nagpositibo.

Sa mga nakumpirmang kaso, 96.5 porsiyento ang mild at asymptomatic, samantalang sa mga aktibong kaso ngayon 94.7 porsiyento ang nakakaranas ng mild symptoms.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.