Sen. Go kina retired SC Justice Carpio, ex-DFA Sec. del Rosario: Kayo ang humarap sa Chinese Coast Guard!

By Jan Escosio May 03, 2021 - 12:57 PM

Hinamon ni Senator Christopher Go sina retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na magpatrulya sa West Philippine Sea at harapin ang Chinese Coast Guard.

Ang paghamon ng senador ay bunsod nang patuloy na pambabatikos nina  Carpio at del Rosario sa paghawak ng gobyerno sa agawan ng teritoryo ng Pilipinas at China.

“Kung talagang sila ang matapang, dapat noon pa hindi na nila pinabayaan… Ngayon, nagmamatapang sila, puro sila bunganga. Ano ang magagawa ng bunganga mo, punta ka doon,” ang hamon ng senador.

Diin ni Go hindi makakatulong ang pambabatikos sa pagpapabaya ng nakalipas na administrasyon sa isyu na humantong sa militarisasyon ng China sa rehiyon.

Kasabay nito, nagpahayag ng kanyang suporta ang senador sa utos ni Pangulong Duterte na hindi aalis sa West Philippine Sea ang mga barko ng Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.