China may pinag-iinteresang yaman sa teritoryo ng Pilipinas – Rep. Ace Barbers

By Erwin Aguilon May 03, 2021 - 10:36 AM

Naniniwala si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na may mahalagang resources ang Pilipinas sa West Philippine Sea na pinag-iinteresan ng China.

Ayon kay Barbers, hindi mananatili sa isang lugar ng ilang buwan ang mga barko ng China kung walang pakinabang makukuha.

Dahil dito sabi ng mambabatas mayroong high value resources sa teritoryo na mahalaga para sa bansa at siya namang pinagiinteresang makuha ng China.

Giit nito, kung makapagbibigay ng economic recovery sa bansa ang resources sa WPS ay nararapat lamang na i-exploit, protektahan at panatilihin ng Pilipinas ang ”exclusive use” sa teritoryo.

Tinukoy ni Barbers ang Executive Order 130 kung saan malayang pinapayagan ang bansa na i-explore at i-exploit ang West Philippine Sea kahit pa may presensya ng China.

Hindi aniya dapat nagpapadikta ang bansa sa presensiya ng China dahil malinaw na teritoryo pa rin ng natin ang bahagi ng West Philippine Sea na inaangkin ng China at ang posisyon ng Pilipinas ay kinikilala ng international community.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.