Sen. Bato dela Rosa may hugot sa pagkontra na alisan ang pondo ang NTF-ELCAC

By Jan Escosio May 03, 2021 - 09:11 AM

Nagbabalik alaala kay Senator Ronald dela Rosa ang kanyang karanasan sa pakikipaglaban sa New People’s Army kayat tutol siya sa nais ng ilang kapwa senador na bawian ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Confict o NTF-ELCAC.

Aniya noong siya ay nasa serbisyo pa ay ilang beses silang nadismaya habang nakikipagpatayan sa mga rebelde at ilan beses na nilang inisip aniya kung inabandona na sila ng gobyerno.

“Itong pinaghugutan ko ng aking paninindigan na ito ay hindi pamumulitika kung hindi…yung buhay ng aking mga tao noon na namatay sa pakikipagbakbakan namin sa NPA at yung aking ekspiryensiya noong ako ay bata pa sa serbisyo, ‘yun ang pinaghugutan ko. Very solid foundation ‘yun, kahit ano gusto nila mangyari hindi ko yan igi-give up,” sabi nito.

Sabi nito pakiramdam nila noon ay pinabayaan na sila ng ibang ahensiya ng gobyerno.

Katuwiran niya sa pagsuporta sa NTF – ELCAC ay nagtutulungan ang mga ahensiya ng gobyerno sa paglaban sa NPA.

“Whole of nation approach na talaga ito dahil pati mga ordinaryong mga taumbayan ay umaalsa…ito na ang tsansa na matapos ang more than 50 years na problema natin d’yan sa NPA,” sabi ng dating hepe ng pambansang pulisya.

Naniniwala ito na magiging ‘madugo’ ang diskusyon sa Senado sa usapin at dagdag niya may mga katulad sa kanyang posisyon ngunit nananahimik lang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.