COVID 19 vaccines masasayang kung takot ang mamamayan – Sen. Ping Lacson

By Jan Escosio May 02, 2021 - 03:59 PM

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na habang hinihintay ang pagdating ng mga COVID 19 vaccines dapat ay pinaiigting ng DOH ang information campaign para maipaliwanag ang kahalagahan ng bakuna.

Babala ng senador maaring masayang lang ang mga bakuna dahil ayaw ng mga tao na sila ay maturukan dahil sa pagdududa.

“What our officials including Health Sec. Francisco Duque III should do is to improve the public’s trust in vaccines, instead of just announcing when the vaccines will arrive. Besides, if very few Filipinos are willing to be vaccinated, the vaccines that actually arrive may go to waste,” sabi nito.

Aniya ginagawa ng gobyerno ang lahat para makakuha ng mga bakuna ngunit mababalewala ang pagsusumikap kung tatanggi ang mamamayan na sila ay mabakunahan.

“Lagi natin tinitingnan araw-araw, binibilang natin ilan natamaan ng COVID, ilan namamatay. Hindi ba dapat forward-looking tayo? Kausapin natin ang mga kababayan natin, magkaroon tayo ng information campaign. Magtiwala kayo sa bakuna kasi sa ngayon wala tayong ibang makakapitan kundi ang bakuna,” pagdidiin pa nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.