10-day paid COVID 19 leave sa mga empleado hiniling ni Sen. Leila de Lima
Naghain ng panukala si Senator Leila de Lima na layon mabigyan ng pandemic leaves ang mga empleado sa pribado at pampublikong sektor na tatamaan ng COVID 19.
Sa Senate Bill No. 2148, sinabi ni de Lima na dapat bigyan ng 10 working days ng paid COVID 19 leave ang mga empleado na kinakailangan sumailalim sa quarantine at hindi kakayanin ang anumang work from home arrangement.
Katuwiran ni de Lima maraming Filipino sa kabila ng panganib ay nagta-trabaho para sa kanilang pamilya at para makatulong maiangat ang ekonomiya ng bansa.
Kayat diin ng senadora, makatuwiran lang na bigyan sila ng insentibo na paid leaves kung sila ay magpo-positibo sa COVID 19 at kinakailangan nilang mag-quarantine o isolate.
Noong nakaraang taon, 4.5 milyong Filipino ang nawalan ng trabaho, pinakamataas sa loob ng 15 taon.
Nabanggit din ng namumuno sa Senate Committee on Social Justice, marami sa mga Filipino ang pumapayag na maging kontraktuwal at tumatanggap ng maliit na suweldo para lang may mapagkitaan at mabuhay ang kanilang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.